Open High School Program (OHSP)

Ang Kawanihan ng Edukasyon sa pamamagitan ng Bureau of Secondary Education ay nagpapatupad ng Open High School Program o OHSP. Para malaman ang tungkol dito:

Ano ang Open High School Program?
Ang Open High School ay isang alternatibong pamamaraan ng pag-aaral sa ilalim ng pormal na sekondaryang edukasyon sa ilalim ng Tanggapan ng Sekondaryang Edukasyon ng DepEd ng Pilipinas. Nagbibigay ito ng pagkakataon para sa mga nagsipagtapos ng elementarya, mga high school drop-outs at mga nakapasa sa PEPT (Philippine Education Placement Test) upang matapos ang sekondaryang pagaaral sa pamamagitan ng distance learning. Ginagamit ang mga nailimbag na self-learning modules para sa mga mag-aaral para sa kanilang mga gawain.


Sino ang maaaring mag-enrol sa OHSP?
Ang sinumang nais sumali sa OHSP na may mga kwalipikasyong ito:
  1. Filipino
  2. Independent learner (kayang mag-aral magisa)
  3. Nakatapos ng kinakailangang grade o year level
  4. Nakapasa sa Independece Learning Readiness Test (ILRT) at Informal Reading Inventory (IRI)
Kailan ako maaring kumuha ng OHSP?
Anumang oras ay maaring magsimula ng OHSP. Hindi ito naayon sa kalendaryo ng regular school year. Ang mga OHSP na mag-aaral ay maaring magsimula sa sarili nilang oras at bilis, sa loob ng di hihigit sa anim (6) na taon.

Saan ako maaring kumuha ng OHSP?
Pumili sa pinakamalapit na tanggapan ng OHS sa pamamagitan ng DORP Coordinator ng inyong DepEd Regional Office:

Regional OfficeDORP CoordinatorContact Number
  Region I     Alicia M. Galsim   0929-464-8271
  Region II     Hortencia P. Calvan  
  Region III     Miriam E. Adobo  0921-240-5836
  Region IV-A     Ruth M. Dulay
  Lilia Llaga
  0908-268-3924
  0919-335-9515
  Region IV-B     Amorsisma V. Contreras
  Manolito D. Alastre
  0927-517-263
  043-711-1126
  Region V     Veronica O. BolaƱos  0917-868-7702
  Region VI     Miriam T. Lima  0910-900-0357
  Region VII    Salud M. Luna   0905-209-0308
  Region VIII     Clarita M. Menda
  Elena S. de Luna
  Rhodora V. Sison
  0920-646-1947
  0920-424-3796
  0921-465-4734
  Region IX     Basher O. Jamahali
  Jose N. Locson
  0908-299-0640
  0917-722-3750
  Region X     Lorelie V. Gamutan   0906-356-0656
  Region XI    Merlyn M. Lasaca   0918-587-3050
  Region XII     Josenette P. Brana  083-520-0421
  CAR     Nancy Gazmen
  Juliet C. Sannad
  0919-342-8344
  0920-837-3368
  CARAGA     Elizabeth Baguio
  Antonieta O. Narra
  0921-663-8207
  086-853-5029
  NCR     Emmanuel Maninang   0921-487-9053
  ARMM      

Sa Metro Manila, ang mga sumusunod na paaralan ay may OHSP:
  •   Benigno Aquino National High School (Makati)
  •   Gregorio Perfecto National High School (Makati)
  •   Rizal High School - Main (Pasig)
  •   Ramon Magsaysay High School (Cubao)
  •   Quezon City National High School (Quezon City)
  •   Lagro National High School (Quezon City)
  •   Commonwealth High School (Quezon City)
  •   Marikina National High School (Marikina)
  •   Malabon National High School (Malabon )
  •   Tinajeros National High School (Malabon)
  •   Caloocan National High school (Caloocan City)

Mga Komento

  1. ito ay handa na upang madagdagan ang distansya sa pag-aaral o makakuha ng sertipikadong sa pamamagitan ng iba't ibang mga channels http://bit.ly/1jHchDs

    TumugonBurahin
  2. Paano pi magenrol sa OH..ano po ang link??

    TumugonBurahin
  3. Hanggang kelan po ang enrollment as OH..true online..pki share po ang link.mpra mkaenroll na anak q..salamat po

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Kilalang Mga Post