Lumaktaw sa pangunahing content

Tampok

Alternative Learning System (ALS) Accreditation and Equivalency Test Part 3

Paano magparehistro sa A&E Test?
Ang nais kumuha ng pagsusulit ay dapat punan ang rehistrasyon at dapat magbigay ng kahit alin sa mga sumusunod na dokumento bilang patunay ng pagkakakilanlan:
Kopya ng sertipiko ng kapanganakan Kopya ng kontrata ng kasal Form 137 Voter’s ID Postal ID TIN Card Driver’s License Pasaporte  Magbigay ng lahat ng kinakailangang datos at pirmahan ang espasyo para dito;

Magbigay ng 2 kopya ng kanilang pinakabagong 1”x1” na larawan;
Isumite ang kumpletong rehistrasyon sa opisyal; at
Kuhanin ang ibabang bahagi ng rehistrasyon at ipakita sa tagasuri sa araw ng pagsusulit.

Saan gaganapin ang A&E Test?Kailan ang pagsusulit?
Ang nais kumuha ng pagsusulit ay dapat magparehistro sa itinalagang rehistrasyon sa buong bansa. Taon-taon, ang mga listahan ng mga lugar ay ipo-post ng DepEd. Ang kwalipikadong kukuha ng pagsusulit ay dapat bumalik sa parehong lugar para sa A&E Test.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring:

Tumawag sa (02) 635-5188, 635-5193 at 632-1…

542 mula sa New Bilibid Prison Maximum Security Compound, Nagtapos sa DepEd's Alternative Learning System (ALS)


Noong Marso 12, 2015 - Suot ang puting toga, 542 ang nag-graduate mula sa Maximum Security Compound sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa.

Sa pamamagitan ng ALS ng Department of Education, lahat sila ay nakamit ang high school level at natuto ng mga iba't-ibang livelihood skills.

Nangunguna sa mga nagtapos ay si Bajunaid Kasim na nag-aral araw-araw na di baba sa apat na oras. Inamin nyang dahil sa naging abala siya pag-aaral, naiwasan nya ang makasama sa mga bagay na maaring nakapinsala sa kanya sa loob ng kulungan.

Si Kasim ay nakulong dahil sa droga. Nag-enrol siya sa ALS bilang paghahanda sa panahong makalabas na siya sa bilangguan. Nais niyang maging isang ALS teacher sa kanyang lalawigan sa Maguindanao.

Mga Komento

Kilalang Mga Post