Adrian Cobardo and Bangkarunungan
Bangkang nagdadala ng karunungan |
Isang guro sa Barretto National High School, ginawaran si Adrian Cobardo ng parangal mula sa Department of Education dahil sa kanyang pagsusumikap na maturuan ang mga kabataan ng coastal community sa Zambales.
Ang mga bata, punung-puno sila ng pag-asa. Kaya kami nandito para ang pag-asang ‘yan ay lalo pang maglagablab kasi naging bata rin tayo. Dapat habang bata palang sila, makita na nila na napakagandang daigdig. At huwag nating patayin iyon sa kanila para balang araw ay maging mabuti silang tao. ~ Adrian Cobardo
Gamit ang bangka, si Adrian ay naglunsad ng isang mobile boat library, ang Bangkarunungan. Nagtuturo sila sa mga bata na magbasa at magpahalaga sa edukasyon dalawang beses sa isang linggo.
Isa sa mga naturuan niya ay ang 7-taong gulang na si CJ Deinla, may sakit na glaucoma. Dahil sa karamdaman sa mata, hindi nakapagbabasa si CJ. Sa pagtuturo at pagtyatyaga ni Adrian, natutong magbasa si CJ sa loob lamang ng isang buwan.
Kaya laking pasasalamat ng pamilya ni CJ. "Salamat sa pagtuturo, pagmamahal at pag-aalaga kay CJ nang hindi humuhingi ng anumang kapalit," sabi ng lola ni CJ na si Cristina Aguilar.
Ang Bangkarunungan
Nasimulan noong Nobyembre 2011, nagtipon-tipon ang sina Adrian at mga kabataang at propesyonal volunteers at nagtatag ng Bangkarunungan alinsunod na rin sa pagdiriwang ng National Reading Month.
Lulan ng bangka ang mga aklat at iba pang reading materials. Mula sa Olongapo City, namamangka sila ng dalawang oras para marating ang Subic, Zambales.
Ngayon, nakapagtuturo ang grupo ni Adrian sa halos 300 kabataan at ang kanilang pamilya. Binubuo sila ng 80 volunteers. Pinupuntahan nila ang Sitio Nagbayucan. Nagdadala rin sila ng pagkain at gamit pag-aaral.
Marami sa mga nakatira doon ay hindi nakakapag-aral. Ang batang mag-aaral ay kinakailangang umakyat sa bundok ng 2KM para marating ang paaralan. "Hindi naman po kami puwede magbangka araw-araw dahil magastos naman sa gasolina," saad ni Estrelita Saquillo, Sitio leader. "At tsaka hindi naman po lahat sa amin may sariling Bangka."
Hindi rin abot ng kuryente ang Sitio Nagbayucan.
Ang aim ko ay zero non-reader bilang ayun din ang aim ng DepEd. Nakikita kong ito ang paraan ko na maging bahagi ng programang iyon. Alam ko na napakahalaga ng pagbabasa kasi hindi ka matuto ng ibang skills kung hindi ka muna matututo ng pagbabasa. ~ Adrian CobardoBukod sa pagtulong sa komunidad, natutuwa din si Adrian sa kabutihang naidudulot ng Bangkarunungan pati rin sa mga volunteers. May mga computer addict at differently-abled silang kasamang nagtuturo.
Efren Penaflorida, isang inspirasyon
Gaya ni CNN Hero Efren Penaflorida na nagdudulot ng edukasyon sa pamamagitan ng kariton, naniniwala si Adrian na ang malayong komunidad ng Subic, Zambales ay maabot naman sa pamamagitan ng bangka.
Gaya ni Efren, si Adrian at ang Bangkarunungan ay nagawaran na rin ng iba't-ibang parangal tulad ng 555 Tuna’s Palaban 5 Outstanding Pinoy Workers awarded in June 2012; Gawad PASATAF 2013 mula sa Pambansang Samahan ng Tagamasid at Tagapagtaguyod ng Filipino (PASATAF); at Ulirang Guro sa Filipino 2014 mula sa Tanggapan ng Pangulo at Komisyon ng Wikang Filipino.
Read more: GMANetwork, ManilaTimes, PhilStar
Photos: GMANetwork, PhilStar
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento