Martes, Hunyo 28, 2016

Impact of K-12 to ALS and A&E Passers

Ano nga ba ang epekto ng K-12 sa Alternative Lerning System (ALS)? Simula school year 2016-2017, ang mga Grade 10 o 4th year high school students ay magsisimula nang mag-aral ng senior high school sa halip na magpunta sa kolehiyo. Ang ALS Accreditation and Equivalency (A & E) Exam ay ang katumbas ng high school diploma para sa mga nag-aral sa pamamagita ng ALS.

Kailangan ba ng mga A & E passers na dumaan pa sa senior high school bago makatuntong sa kolehiyo o katumbas nito? Ayon sa website ng Department of Education, ang mga nakapasa ay maari nang dumiretso sa sekondarya o post-secondary schools.

Passers are qualified to enroll in secondary and post-secondary schools (DepEd website, retrieved 28 June 2016).
Screenshot ng website ng DepEd: http://www.deped.gov.ph/als-ae

Ang ibig sabihin, ang mga A & E passers ay hindi na kinakailangang mag-senior high school. Subalit, ang mga high school (HS) graduate na may diplomang pang sekondarya na hindi pa nage-enroll sa kolehiyo ay mayroon na lamang itong school year at 2017-2018 para mag-enroll sa kolehiyo. Kung hindi, kinakailangan na nilang kumuha ng senior high school bago tanggapin sa kolehiyo pagdating ng school year 2018-2019.

Para sa karagdagang impormasyon, narito ang naihandang slideshow ni Bb. Emem.


63 komento:

  1. Pwd poh ba akong magtake ng exam sa ALS kahit na Elementary graduate lang poh ako at ngayun age ko is 18 gusto ko poh sanang mgtake this year 2017 para nmn mkapag aral ulit ako

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hi! Pwede po. May Accreditation and Equivalency Test po para sa elementary at high school. Kapag naipasa niyo po yung sa elementary, katumbas na po iyon ng elementary diploma. God bless po!

      Burahin
  2. Graduate po ako sa als noong 2016 mag octoberian na lang po sana ako ngayon at hindi po ako naka abot sa enrollment. Maari po ba yun?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Opo, pwede po kayong mag-enroll sa second semester. Kapag nagsimula na po ang school year 2018, kinakailangan na rin pong mag-senior high school ang mga ALS graduates.

      Isa pa po, marami pong mga colleges at universities ang nag-adjust ng school year nila kaya ang second semester ay January na nagsisimula. Mabuti pong magtanong na po kayo para po alam din ninyo ang calendar nila?

      Good luck po!

      Burahin
    2. Paano naman po yung mga wala ng balak magcollege?kailangan din po ba nilang magsenior high school?At posible po ba silang akakuha ng magandang trabaho?
      salamat po.

      Burahin
    3. Hi! Kung hindi naman po mag-college, pwede po sa TESDA. Mula ngayong taon hanggang simula ng school year 2018, hindi pa po kailangan ng senior high school. Good luck po!

      Burahin
  3. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  4. Kapag graduate po ba ng ALS makakuha din po ba ng free voucher sa senior high?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hi! Ang voucher po ay para sa mga public school graduates ng junior high school na lilipat sa private school para sa senior high school. Dahil DepEd rin po ang ALS, pwede po. Para po makasigurado, magtanong din po kayo kung saan po kayo mag-aapply ng voucher?

      God bless po!

      Burahin
  5. saan po ginaganap ang A&E test ?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hi! May mga assigned testing centers po sa buong Pilipinas na pinipili ng DepEd BALS. Ito po ang ilan sa mga ALS Centers: http://www.deped.gov.ph/als-ae

      Burahin
  6. Good evening po! Nag enroll po ako ng als private school year 2016. Nagtake na din po kami ng mga classmate ko ng mock test 2 beses. Pero nagtataka po kami kung bakit hindi po kami naisama sa pagtake ng exam. So hanggang ngayon po wala pa din.
    Tanong ko lang po kung kailan po talaga ang arw ng exam?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hi! Na-postpone po ang January 2017 A&E Test, at wala pa rin pong sinasabi kung kailan na po ito gaganapin. Maari po bang malaman kung saan po kayo nag-enroll ng ALS?

      Burahin
  7. Naalis ng isang administrator ng blog ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  8. Tanong ko lang po kung maari pong mag enroll ulit ng als sa aming barangay.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hi Ms. Marjorie! Saan po ba ang baranggay ninyo?

      Burahin
  9. Hello good morning!
    I just wanted to ask if ever ba na maka.graduate ako sa ALS, pwde na ba ako makapag.proceed sa TESDA using the ALS diploma?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hi Maxwell! Opo, pwede po kayong mag-TESDA o kolehiyo dahil katumbas po ng HS diploma ang pagpasa ninyo sa ALS Accreditation and Equivalency Test.

      Burahin
  10. Good morning meron po bang allowance ang student while nagtatake ng class?thank you

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hi Joselle! Wala pong nakukuhang libreng allowance ang mga ALS students mula sa DepEd habang naka-enroll.

      Burahin
  11. pwede po bang mag exam sa ALS para dumeritsu na sa kolihiyu

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hi! Opo, ito po ang layunin ng ALS Accreditation and Equivalency Test. Maari niyo pong mabasa ang iba pa tungkol dito: http://www.deped.gov.ph/als-ae

      Burahin
    2. saan po ba mayrong ALS sa manila masakit po sa TAFT.gusto kpo sana mag enroll

      Burahin
    3. Hi! Ito po ang mapa ng ilan sa mga ALS Centers: http://aralmuna.me/als-centers/
      Maari rin po kayong magtanong sa malapit na DepEd school o baranggay hall para sa ALS Centers.

      Good luck po!

      Burahin
  12. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  13. paaano po magenroll sa als kahit hnd po tapus nang hihgschool

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hi! Ang mga nais na kumuha ng Accreditation and Equivalency Test ng DepEd ay kinakailangan magpakita ng mga sumusunod na dokumento:
      1. Dalawa (2) ID picture 2"x2" na may pangalan (apelido, pangalan at middle name)
      2. Orihinal at xerox copy ng kahit na anong ID mula sa gobyerno
      3. Baranggay Certificate na may litrato na nagpapatunay ng tunay na edad at pangalan ng gustong magpatala.

      God bless po!

      Burahin
  14. paaano po magenroll sa als kahit hnd tapos nang highschool po

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hi Liezel! Ang mga nais na kumuha ng Accreditation and Equivalency Test ng DepEd ay kinakailangan magpakita ng mga sumusunod na dokumento:
      1. Dalawa (2) ID picture 2"x2" na may pangalan (apelido, pangalan at middle name)
      2. Orihinal at xerox copy ng kahit na anong ID mula sa gobyerno
      3. Baranggay Certificate na may litrato na nagpapatunay ng tunay na edad at pangalan ng gustong magpatala.

      God bless!

      Burahin
  15. san po pwede mag pasa ng requirements for this years examination?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hi! Magpapasa po kayo sa ALS Center kung saan kayo enrolled. Maari din naman pong mag-walk in sa exam basta po kumpleto ang requirements niyo. Marami pong mga ALS Test Centers sa buong bansa, kaya mas mabuti po sigurong kumunsulta kayo sa ALS teacher o coordinator niyo bago kayo mag-exam.
      God bless po!

      Burahin
  16. pwede po ba magenrol sa ALS kahit 16 pa lang? third year po ako and working at madalas po akong lumiban sa klase dahil sa trabaho, pwede po ba mag shift sa ALS from regular ? nahihirapan po kasi ako. thanks.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hi Ami! Ang mga sumusunod ay maaaring magpa-register:
      1. Di nakatapos ng elementarya at may edad 11 pataas
      2. Di nakatapos ng high school at may edad 15 pataas
      3. Mga kumuha dati ng A&E ngunit hindi nakapasa
      4. Mga mag-aaral sa ALS program
      5. Mga nag-aaral subalit higit na ang edad sa elementarya (higit 11 taong gulang) o high school (higit 15 taong gulang)
      Thank you din po!

      Burahin
  17. Hi, ang ibig sabihin po ba niyan kapag nagenroll ako ngayon sa ALS at nakagraduate ako. di ko na po kinakailangan mag Senior HS?


    Tanong ko na din po kung kailan po ba ang enrollment ng ALS? tapos na po ba? kung tapos na po. meron pa po bang kasunod ngayon taon?



    Maraming salamat po.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hi! Simula po sa school year 2018, ang mga ALS A&E Test passers ay kailangan na ring mag-senior high school bago mag-kolehiyo.

      Opo, kailangan pong mag-enroll din sa ALS, pero hindi po araw-araw ang pasok. Ongoing po ang enrollment sa mga ALS centers, depende rin po sa kada-ALS center ang deadline ng enrollment. Maari pong pumunta kayo sa pinakamalapit na DepEd school, o sa baranggay hall ninyo para magtanong kung saan ang ALS center na malapit sa inyo?

      Maraming salamat din po.

      Burahin
  18. Hello po. ok so nahilo ako sa mga comments tsaka reply nyo. Di ko gets po so if nakapass po kayo ngayong october or novemember sabi ng nila yung exam Senior Highschool napo ba eenrollin? Yung sagot nyo po sa iba eh Pwede pang mag college which is 2018 school year nayon papasok. Pero pag 2018 na eh senior hs na papasok. nahilo tlaga ako lol. salamat po sa info sa taas.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hi! Sorry po. Nakakahilo nga po ang Senior High School. Simula po school year 2018, ang lahat ay kinakailangan ng mag-senior high school. Kaya kung A&E HS diploma po kayo at hindi nag-enroll sa college bago ang 2018, kinakailangan pong mag-senior high school bago mag-college.

      Sana po ay malinaw?

      God bless!

      Burahin
    2. Salamat po. Mageenroll ho sana ako kase sabi nila oct. and november po yung exam. so kung maka pass po ako alam ko nang Senior HS na papasukin ko. Kala ko din po kase makakahabol pako para magcollege XD. Thank you po

      Burahin
    3. Thank you din po. Good luck po!

      Burahin
  19. Good evening po! Sabi po sa ALS center ng pamangkin ko, October 1 po exam nila. Kapag po nakapasa siya sa elementary level, pwede po ba siyang mag enroll for Gr. 8? O kaya kailangan po niyang bumalik ng Gr.7? Dapat po kasi Gr.7 na siya kaso napostpone po yung exam nung January..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hi! Kung makapasa po siya sa elementary level sa ALS, pwede na po siyang mag-high school. Pero kung Grade 7 na po ang natapos niya at may elementary diploma na siya, dapat po ay high school Accreditation & Equivalency Test (A&E) ang kunin niya at kapag nakapasa ay magkakaroon na siya ng high school diploma.

      Burahin
  20. Kapag 16 years old po ang mag eenroll sa als ano po requirements??

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hi! Ang mga sumusunod ay maaaring magpa-register:
      1. Di nakatapos ng elementarya at may edad 11 pataas
      2. Di nakatapos ng high school at may edad 15 pataas
      3. Mga kumuha dati ng A&E ngunit hindi nakapasa
      4. Mga mag-aaral sa ALS program
      5. Mga nag-aaral subalit higit na ang edad sa elementarya (higit 11 taong gulang) o high school (higit 15 taong gulang).

      Ang mga nais na kumuha ng Accreditation and Equivalency Test ng DepEd ay kinakailangan magpakita ng mga sumusunod na dokumento:
      1. Dalawa (2) ID picture 2"x2" na may pangalan (apelido, pangalan at middle name)
      2. Orihinal at xerox copy ng kahit na anong ID mula sa gobyerno (NSO Birth Certificate/Barangay Clearance/Voters ID/ Marriage License, etc)
      3. Baranggay Certificate na may litrato na nagpapatunay ng tunay na edad at pangalan ng gustong magpatala.

      Burahin
  21. Naku naman, wala parin po yung test sa Batch 2017, naka ilang postpone napo, bka po umabot pa kami ng 2018 d prin nakakapag test.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. October 2017 daw po, pero hindi pa official yun. :)

      Burahin
  22. Naalis ng isang administrator ng blog ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  23. Hello. May ALSkto12 na po di ba.. Yung bago na pangalang ng strand tas may ika 6th strand na.. At sa aral muna app ay yung dati pa din.. Alam nyo po ba kung ano ang under ng bagong curriculum sa als o ang alskto12? Thanks 😊

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Thanks Ms. Marylou! Sige po, update namin para magkaroon ng bagong strand.

      Burahin
  24. Tanong kolang po kng san po malapt na school sa delmonte qc. Ang nag offer nang als and keln po next enrollment salamat po godbless

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hi! Hindi po kumpleto itong mapa namin: http://aralmuna.me/als-centers/, pero para malaman po ang pinakamalapit sa inyo, pwede po kayo magtanong sa DepEd o sa baranggay center ninyo po.

      Burahin
  25. Kelan po next enrollment for als thanks po :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hi! Ongoing naman po ang enrollment sa ALS.

      Burahin
  26. If I enroll now, can I take the October 2017 test?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. yung start po ba nung exam sa oct? :)

      Burahin
    2. Hindi pa po official yung October na A&E!

      Burahin
    3. Hi! Magbibigay po ang mobile teacher niyo ng mga mock tests para malaman kung pwede na po kayong mag-A&E test.

      Burahin
  27. gud am po madam/sir, gaano katagal ang pagaaral s als po? kung first year lng? salamat po..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hi! Sa loob po ng 9 months, kung ready na kayong mag Accreditation and Equivalency Test, katumbas na po iyon ng diploma.

      Burahin
  28. Hi! gusto ko po sanang mag-als
    grade 6 po ako ngayon at dalawang beses akong umulit,

    kung pwede po ano po yung mga requirements

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hi! Ito po ang mga requirements:

      Ang mga nais na kumuha ng Accreditation and Equivalency Test ng DepEd ay kinakailangan magpakita ng mga sumusunod na dokumento:
      1. Dalawa (2) ID picture 2"x2" na may pangalan (apelido, pangalan at middle name)
      2. Orihinal at xerox copy ng kahit na anong ID mula sa gobyerno (NSO Birth Certificate/Barangay Clearance/Voters ID/ Marriage License, etc)
      3. Baranggay Certificate na may litrato na nagpapatunay ng tunay na edad at pangalan ng gustong magpatala.

      Sino ang maaaring mag-register pasa sa A&E?
      Ang mga sumusunod ay maaaring magpa-register:
      1. Di nakatapos ng elementarya at may edad 11 pataas
      2. Di nakatapos ng high school at may edad 15 pataas
      3. Mga kumuha dati ng A&E ngunit hindi nakapasa
      4. Mga mag-aaral sa ALS program
      5. Mga nag-aaral subalit higit na ang edad sa elementarya (higit 11 taong gulang) o high school (higit 15 taong gulang)

      Burahin
  29. 12yrs old na po ako sa september 24 ako mag13 pwede po ba akong magals dalawang beses akong umulit at grade 6 palang po ako ngayon. thank you po

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ano din po yung mga requirements salamat

      Burahin
    2. Hi! Ang mga nais na kumuha ng Accreditation and Equivalency Test ng DepEd ay kinakailangan magpakita ng mga sumusunod na dokumento:
      1. Dalawa (2) ID picture 2"x2" na may pangalan (apelido, pangalan at middle name)
      2. Orihinal at xerox copy ng kahit na anong ID mula sa gobyerno (NSO Birth Certificate/Barangay Clearance/Voters ID/ Marriage License, etc)
      3. Baranggay Certificate na may litrato na nagpapatunay ng tunay na edad at pangalan ng gustong magpatala.

      Sino ang maaaring mag-register pasa sa A&E?
      Ang mga sumusunod ay maaaring magpa-register:
      1. Di nakatapos ng elementarya at may edad 11 pataas
      2. Di nakatapos ng high school at may edad 15 pataas
      3. Mga kumuha dati ng A&E ngunit hindi nakapasa
      4. Mga mag-aaral sa ALS program
      5. Mga nag-aaral subalit higit na ang edad sa elementarya (higit 11 taong gulang) o high school (higit 15 taong gulang)

      Burahin