Grade 5 Reviewer - Filipino - Pangngalan, Panaguri, Pandiwa, Pang-ukol, Kayarian ng Salita
Gamit ng pangngalan
- Simuno o Paksa - Ito ang pinag-uusapan sa pangungusap. Ito ay may panandang ang o si.
Halimbawa: Si Mika ay kaibigan ko.
- Panaguri - Ito ang magsasabi tunkol sa simuno.
Halibawa: Taga-Samar ang lolo ko.
- Layon ng Pandiwa - Ito ang tumatanggap sa kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Ito ay pinangungunahan ng panandang ng.
Halimbawa: Bumili si Abby ng papel sa tindahan.
- Layon ng Pang-ukol - Ito ay pinangungunahan ng mga pang-ukol na sa/sa mga, para kay/para kina, para sa/para sa mga.
Halibawa: Para kay Mika yung libro.
- Ganapa - Ito ang pinangyarihan o pinagganapan ng kilos ng pandiwa.
Halimbawa: Nagkagulo ang mga tao sa plasa.
Kayarian ng salita
- Payak - Binubuo it ng salitang-ugat lamang.
Halimbawa: lakad
- Maylapi - Binubuo it ng salitang-ugat at may panlapi.
Halimbawa: lumalakad
- Inuulit - Inuulit ang salita. Maaring salitang-ugat lamang o salitang may panlapi.
Halimbawa: araw-araw
- Tambalan - Dalawang salitang may magkaibang kahulugan at nang pinagsama ay isa na lamang ang kahulugan.
Halimbawa: isip-bata
Pang-uri at mga uri nito
Pang-uri - Ito ay tawag sa mga salitang naglalarawan ng pangngalan at panghalip.
Halimbawa: Maganda ang pinsan ni Lisa.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento