Positive discipline in the classroom: PETA ARTS Zone Project

Parents and writers acting out various scenes on positive discipline

Ano ang positive discipline?
Ang positive discipline ay ang kabaligtaran ng corporal punishment bilang pagdidisiplina sa mga bata. Hango ito sa aklat na sinulat ni Joan Durrant PhD ng University of Manitoba sa Canada.

Paano nilulunsad ng PETA ARTS Zone ang positive discipline?
Ang PETA ARTS Zone ay sa ilalim ng PETA, samahan para sa maunlad na pagtatanghal sa entablado o teatro sa Pilipinas. Lumilibot sila sa buong Pilipinas para magturo sa mga komunidad, paaralan at samahan tungkol sa iba't-ibang paksa - isa na dito ang positive discipline.

Sino ang PETA ARTS Zone?
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa PETA ARTS Zone, bisitahin ang kanilang Facebook page o ang Yes to Positive Discipline.


Karagdagang katanungan tungkol sa positive discipline:
1. Hindi ba karapatan ko bilang magulang o guro na mag-disiplina?
Tama. Ang pagdidisiplina ay pagtuturo ng tamang gawi at ugali.
Ano ang tungkol sa positive discipline?

2. Lumaki akong pinapalo ng magulang ko, maayos naman ang kinahinatnan ko. Bakit hindi ko pwedeng gawin din iyon?
Maaaring kayo ay iilan sa napabuti kahit lumaking pinapalo. Ayon sa pag-aaral, maraming mga lumaking dinidisiplina ng marahas ang tinanggap ang karahasan bilang paraan ng pagtugon o paglutas ng problema. Ito ay isa sa mga sanhi ng domestic violence.

Kapag pinalo natin ang mga bata kapag sila'y nagkakamali, itinuturo nating katanggap-tanggap ang pananakit sa pag-ayos ng suliranin. May ibang paraan ng pagtutuwid. Kung hindi hihinto ang pagdidisiplina ng marahas, magpapatuloy ang karahasan at pananakit.

Isang grupo na tinuruan ng PETA ARTS Zone ng positive discipline


3. Sabi sa Biblia, spare the rod, spoil the child. Hindi ba salungat sa Biblia ang hindi ko pagpalo?
Ang kasabihang spare the rod, spoil the child ay wala sa Biblia. Ito ay nasa isang tulang sinulat ni Samuel Butler noong 1664. Kahit na marami sa Lumang Tipan ang tungkol sa paggamit ng 'rod' sa pagdidisiplina, hindi ito tungkol sa pananakit.

Ang rod o tungkod ay ginagamit ng pastol sa paggabay sa mga tupa at hindi para hampasin sila.

Marami ring mga katuruan sa Lumang Tipan ang binago na sa Bagong Tipan. Sa Colossians 3:20-21 sinasabing, "Mga anak, sundin ninyong lagi ang inyong mga magulang, sapagkat iyan ang nakalulugod sa Panginoon. Mga magulang, huwag ninyong pagagalitan nang labis ang inyong mga anak at baka masiraan sila ng loob."
Ganito rin ang nasa Ephesians 6:4, "Mga magulang, huwag kayong gumawa ng mga bagay na ikagagalit ng inyong mga anak. Sa halip, palakihin ninyo sila ayon sa disiplina at katuruan ng Panginoon."
Hindi ba pagtatanim sa puso ng mga kabataan ang pananakit sa kanila? Malinaw na tinuturo na maging masunurin ang mga kabataan sa kanilang mga magulang, at para sa mga magulang naman: huwag hayaang magkaroon ng galit sa atin ang ating mga anak.

42% ng mga Pilipino ay kabataan


4. Bakit puro karapatan ng bata ang pinahahalagahan? Paano ang aking karapatan bilang magulang o guro?
Ang UNCRC ay binuo ayon sa Human Rights Framework. Sinasabi nitong ang bawat isa'y may karapatan. Dahil ang mga kabataan ay bahagi ng vulnerable sector, binibigyan sila ng espesyal na karapatan. Karapatan at responsibilidad nating disiplinahin ang mga kabataan pero sa paraang tugma sa kanilang mga karapatan.

Our rights stop where the rights of others begin.

5. Pinapaliwanag ko kung bakit ako namamalo. Mali pa rin ba ito?
Subukan nating sa halip na paluin ay kausapin ang bata. Dapat nating tingnan na may kakayanan ang bata na maintindihan ang pagkakamali niya -- at ituwid ito. Magdudulot lamang ng kalituhan sa mga bata ang sinasabi nating mahal natin sila subalit pinapalo natin sila.

Mga Komento

Kilalang Mga Post