DepEd Special Concerns Unit

Ano ang naaayon sa DepEd Memo 205 s. 2016 na nilagdaan noong November 28, 2016?

Sino ang mamamahala sa Special Concerns Unit ng DepEd?
Pamumunuan ni Demetria L. Manuel, MNSA, Director III ng DepEd, sa ilalim ni Atty. Nepomuceno A. Malaluan, Assistant Secretary and Chief of Staff ang Special Concerns Unit.

Magkakaroon ang opisinang ito ng teknikal at administrative support staff mula sa personnel ng DepEd. Magkakaroon din ng dalawang contractual personnel.

Ano ang mga gawain ng Special Concerns Unit ng DepEd?

  • Tumulong sa Office of the Assistant Secretary at Chief of Staff para sa mga espesyal na programa at proyekto ng Kalihim
  • Maglaan ng budget para sa mga programa at proyektong ito
  • Makipag-ugnayan sa iba pang DepEd officials, staff at stakeholders para sa implementation ng mga programa at proyektong ito
  • Umisip at lumikha ng mga plano para sa gagawing mga proyekto at programa; mag-monitor at magsuri ng mga kasalukuyang programa at proyekto
  • Ipatupad ang mga proyekto at programa
  • Magbigay ng kaalaman at report sa Assistant Secretary at Chief of Staff
  • Mag-organisa ng meeting kaugnay ng mga proyekto at programa
Para sa karagdagang impormasyon, maaring bisitahin ang pahinang ito: http://www.deped.gov.ph/sites/default/files/memo/2016/DM_s2016_205.pdf


Mga Komento

Kilalang Mga Post