Mula sa yaya papuntang accountant, dahil sa DepEd ALS
Si Malou Lom-oc ay isang yaya na ngayon ay may diploma na at mag-aaral ng BS Accountancy. [credit: Manila Bulletin / STI Cainta] |
"Huwag kang sumuko, tuparin mo ang pangarap mo at magtapos ka ng pag-aaral," payo niya sa kagaya niyang pinagsasabay ang pag-aaral at pagtatrabaho.
Si Malou ay mula sa isang simpleng pamilya, at may limang mga kapatid. Ang kaniyang tatay ay isang karpintero at ang kaniyang nanay isa isang may bahay. Sa edad 15, naglakas loob siyang lumuwas sa Maynila upang magtrabaho at makatulong sa kanyang pamilya.
Sa Cainta ay naging mapalad siyang makahanap ng employer na pinayagan siyang mag-enroll sa Alternative Learning Center sa Francisco P. Felix Memorial National High School sa Cainta. Nagsimula si Malou sa Grade 8. Habang nag-aaral dito, nalaman niya mula sa principal ang tungkol sa DepEd ALS STI College Ortigas-Cainta. Dahil mas malapit ito sa kaniya, lumipat siya dito. Tuwing Sabado, nilalakad niya ang pagpasok sa STI dahil malapit lamang ito.
Habang tulog ang inaalagaang bata, nag-aaral si Malou. Tinutulungan din siya ng kaniyang pinagtatrabahuhan na mag-review sa ALS Accreditation and Equivalency Test.
"Kapag tulog na yung alaga ko saka ako nagbabasa… basta kapag may chance, nagrereview ako," sabi ni Malou.
God bless, Malou!
Read more at http://2016.mb.com.ph/2016/07/17/depeds-als-delivers-girl-from-babysitting-to-accounting/#t2EKU3GD6UZcdFmG.99
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento