ALS Learners at SHS School Year 2018-2019; DepEd ALS Accreditation and Equivalency (A&E) Test ngayong Marso 2018





Ilang mga pahayag ukol sa DepEd ALS Accreditation and Equivalency (A&E) Test:

1. A&E passing grade - March 2018 ALS Accreditation and Equivalency (A&E) Test ay may passing grade na 60% alinsunod sa naging direktiba ni Sec. Leonor Briones tungkol sa November 2017 A&E Test.

2. Online list ng November 2017 passers - Ang naka upload na listahan ng mga nakapasa sa A&E Test na ginanap noong November 2017 ay hindi pa kumpleto. Ito ay inaayos pa para madagdag ang mga may markang 60% at pataas. Para malaman ang kabuuang listahan ng mga nakapasa, maaring sumadya sa division office. Ang mga ALS A&E Test takers nitong November 2017 na may markang 60% pataas sa kanilang COR (certificate of rating) ay sapat nang batayan ng pagpasa sa A&E Test.

3.  SHS at ALS Learners - Simula school year 2018-2019, kinakailangang may senior high school diploma ang mga unang beses pa lang mag-aaral ng kolehiyo. Para sa mga ALS passers na nais mag kolehiyo, maghanap ng mga publiko at pribadong kolehiyo na ALS-friendly, at may bridging program na nagbibigay SHS units kasabay ng kolehiyo. Isa na dito ang Bulacan State University na tumatanggap ng mga ALS passers sa kolehiyo kahit na walang SHS diploma.

4. A&E Test Takers ng March 2018 at pag-enroll sa kolehiyo - Ang mga kwalipikadong mag-A&E sa buwan ng Marso 2018 ay maari ding mag-enroll sa mga ALS-friendly colleges sa bisa ng conditional admission. Kahit hindi pa tapos ang exam at hindi pa pasado, may mga kolehiyong tatanggap sa iyo kung mayroon kang A&E Test stub, ALS Certificate of Completion.

5. Wrong spelling sa pangalan - Kung nakita mong mali ang spelling ng pangalan mo sa listahan ng mga nakapasa, magpagawa lamang ng affidavit sa mga Notary Public o Public Attorneys Office sa inyong lugar. Ito ang magsisilbing katunayan na ikaw ang nakapasa.

6. Resulta ng March 2018 A&E Test - Mula sa DepEd Bureau of Education Assessment, and resulta ng March 2018 A&E Test ay ilalabas bago mag June 2018.


Credits to Ma'am Maria Mercedes Arzadon at DepEd - ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM (ALS) Admin Lai Chi.

Mga Komento

  1. Pwd po bang mag aral ulit sa college? Kahit dipo ako naka k12? Pero nakapag aral man ako noon nang 1 simester sa college?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hi! Kung nakapag-aral na po kayo sa college dati, hindi niyo na po kailangang mag-senior high school o K12. Mas mabuti pong ipagpatuloy ninyo sa dating kolehiyo ninyo. Kundi naman, kunin niyo po ang transcript niyo doon at lumipat sa bagong kolehiyo na gusto ninyong pasukan.

      Good luck po!

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Kilalang Mga Post