Filipino: Pag-aralan natin ang Pangngalan



Pangngalan

Ito ay mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, bagay, pangyayari, pook at gawa.



  • Uri ng Pangngalan ayon sa Katangian

Pantangi
Ito ay mga pangngalang tumutukoy sa tiyak at tanging ngalan ng tao, bagay. Lugar, hayop, gawain at pangyayari.

Pambalana
Ito ay mga balana o pangkaraniwang ngalan ng mga bagay, tao, pook, hayop at pangyayari.
Ang mga pangngalang ito ay di-tiyak o walang tinutukoy na tiyak o tangi.

  • Uri ng Pangngalan ayon sa Konsepto

Tahas
Ito ay mga karaniwang pangngalan na nakikita at nahahawakan.

Basal
Ito ay mga pangngalang pangkaraniwang di nakikita o nahahawakan pero nadarama, naiisip, nagugunita, o napapangarap.

Mga Komento

Kilalang Mga Post