Filipino: Pag-aralan natin ang Pangngalan 2





Kasarian ng Pangngalan

  • Panlalaki

Pangngalang tumutukoy sa ngalan ng lalaki.

  • Pambabae

Pangngalang tumutukoy sa ngalan ng babae.

  • Di-tiyak

Pangngalang maaaring tumukoy sa lalaki o babae.

  • Walang kasarian

Pangngalang tumutukoy sa bagay na walang kasarian.

Kailanan ng Pangngalan

  • Isahan

Gumagamit ng panandang ang, ng, si, ni, kay at pamilang na isa.

  • Dalawahan

Gumagamit ng panlaping makangalan na mag- at pamilang na dalawa.

  • Maramihan

Gumagamit ng mga panandang mga, sina, nina, kina o iba pang pamilang na higit sa dalawa.

Kayarian ng Pangngalan

  • Payak



Ito ay binubuo ng salitang-ugat lamang.

  • Maylapi

Ito ay binubuo ng salitang-ugat at ng isa o higit pang panlapi. Ang mga panlapi ay maaaring nasa unahan, gitna o hulihan.

  • Inuulit

Ito ay pag-uulit ng salitang-ugat o ng una at ikalawang pantig ng salitang-ugat.

  • Tambalan

Ito ay dalawang salitang magkaiba ngunit pinag-isa lamang.

Mga Komento

Kilalang Mga Post