Pagkalkula sa Area


Ang area ay sukat kung gaano kalawak ang puwang sa loob ng isang hugis. Ang pagkalkula ng area ng isang hugis o ibabaw ay maaaring maging kapaki-pakinabang sa pang-araw-araw na buhay, halimbawa, maaaring kailanganin mong malaman kung gaano karaming pintura ang kailangan bilhin upang masakop ang isang pader.

Kapag ang isang hugis ay iguguhit sa isang naka-scale na grid maaari mong makita ang area sa pamamagitan ng pagbilang ng mga parisukat ng grid sa loob ng hugis. Upang mahanap ang sukat ng area, gamit ang grid method, kailangan malaman ang laki na kumakatawan sa isang grid square.



Ang pinakasimpleng (at pinaka karaniwang ginagamit na) kalkulasyon ng area ay para sa mga parisukat at mga parihaba. Upang mahanap ang area ng isang rektanggulo i-multiply ang taas nito sa lapad nito. Para sa isang parisukat, kailangan mo lamang mahanap ang haba ng isa sa mga panig (dahil ang bawat panig ay may parehong haba) at pagkatapos ay i-multiply ito sa kanyang sarili upang mahanap ang area. Ito ay kapareho ng pagsasabi ng length2 o length squared Sa tatsulok naman, importanteng isipin na ang tatsulok ay kalahati ng parisukat o parallelogram. Ipagpapalagay na alam mo (o maaaring masukat) ang mga sukat ng isang tatsulok, maaari mo na masukat ang area nito. Ang area ng tatsulok ay (taas x lapad)/2. Sa ibang salita maaari mong sukatin ang area ng isang tatsulok sa parehong paraan tulad ng area para sa isang parisukat o parallelogram hatiin lamang ang iyong sagot sa dalawa. Para naman makalkula ang area ng isang bilog, kailangan mo muna malaman ang diameter o radius nito. Ang formula para makuha ang sukat ng area ng bilog ay πR2 (Pi x Radius2). Ang radius ng isang bilog ay ang haba ng isang tuwid na linya mula sa gitnang punto ng bilog hanggang sa gilid nito. Ang radius ay kalahati ng diameter.

Sa mga sitwasyon sa totoong buhay maaari kang maharap sa isang problema na nangangailangang mahanap ang area ng mga bagay-bagay.

Credit:
SkillsYouNeed.com

Mga Komento

Kilalang Mga Post