Paano napagana ni Scott Klemmer ng UC San Diego/Stanford and Online Class sa Coursera
Si Scott Klemmer ay isang artist designer na napunta sa pagtuturo ng cognitive at computer science. Espesyalisasyon niya ngayon ang UX na nasasakop ng Human Computer Interaction. Mula pa noong isang taon, nagsimula siyang magturo online sa pamamagitan ng Coursera.
Narito ang mga natutunan niya tungkol sa pagtuturo gamit ang mga MOOC o massive open online course:
1. Peer assessment - pagkatapos matuto, ang mga estudyante ay nagkakaroon ng pagkakataong suriin ang gawa ng mga kaklase, isang bagong kasanayan din na makatutulong sa pagtatrabaho. May limang magsusuri, at isa dito ay mula sa guro o staff ng paaralan para magkaroon ng makatotohanang pagtingin sa ginawa ng estudyante. Huling hakbang ang pagsusuring-pansarili.
Nakatutulong ito dahil nagkakaroon ng personalized feedback kahit na sa isang malakihan at digital na pagtuturo.
2. Talk about - Gamit ang Google Hangouts, maraming mga usapan ang pagpipilian ng estudyanteng salihan para makadiskusyunan ang ibang mga nagsipag-enroll sa kurso. Ayon sa guro, ang mga estudyanteng sumali sa Talk About ay mas naging magaling sa klase. Isang learning motivator ang pakikipag-usap sa iba na may iba't-ibang point of view.
3. Micro experts - sa pagsusukat ng mga natutunan ng estudyante, kumuha ng mga micro experts na tinuruan na suriin ang gawa ng mga estudyante hindi ayon sa score, subalit batay sa attribute ng assignment ng mga estudyante.
Peer assessment na nagdudulot ng personalized feedback |
1. Peer assessment - pagkatapos matuto, ang mga estudyante ay nagkakaroon ng pagkakataong suriin ang gawa ng mga kaklase, isang bagong kasanayan din na makatutulong sa pagtatrabaho. May limang magsusuri, at isa dito ay mula sa guro o staff ng paaralan para magkaroon ng makatotohanang pagtingin sa ginawa ng estudyante. Huling hakbang ang pagsusuring-pansarili.
Nakatutulong ito dahil nagkakaroon ng personalized feedback kahit na sa isang malakihan at digital na pagtuturo.
Fortune cookies na nagsasabi ng maari pang gawin ng estudyante |
2. Talk about - Gamit ang Google Hangouts, maraming mga usapan ang pagpipilian ng estudyanteng salihan para makadiskusyunan ang ibang mga nagsipag-enroll sa kurso. Ayon sa guro, ang mga estudyanteng sumali sa Talk About ay mas naging magaling sa klase. Isang learning motivator ang pakikipag-usap sa iba na may iba't-ibang point of view.
May ilang talk about na sinasalihan ng iba't-ibang estudyante na nagmula sa iba't-ibang bansa |
Credit:
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento