Biyernes, Abril 24, 2015

Philippine Science High School NCE Reviewer

URL: http://www.pshsreviewer.org/

Ang Philippine Science High School ay isang tanyag na mataas na paaralan kung saan ang mga pinakamatatalinong batang Pilipino ay nag-aaral. Isa itong primyadong institusyon sa ilalim ng Department of Science and Technology.

Ang kurikulum nila ay natatangi dahil layunin ng institusyong lumikha ng pinaka-dekalidad na propesyunal para sa Pilipinas.

Nagbibigay ang paaralan ng iskolarship sa sinumang nangangailangan nito, pagkatapos makapasa sa National Competitive Examination (PSHS-NCE). Ang pagsusulit ay naglalayong sukatin ang mga sumusunod na kakanyanan ng mga estudyante:


  1. Scientific Ability
  2. Quantitative Ability
  3. Abstract Reasoning
  4. Verbal Aptitude
Subukan ang pagsusulit. Susukatin nito ang bilis ng pagsagot mo, at ipakikita din ang mga pagkakamali mo.

Makipag-ugnayan sa kanila sa pamamagitan ng email: 
info@pshsreviewer.org

Huwebes, Abril 23, 2015

Online Reviewer mula sa DOST

DOST Reviewer - http://www.dostseireviewer.org/

Ang DOST ay nag-aalok ng scholarship para sa undergraduate program sa mga kolehiyong napili nitong Scientific Excellence Centers. Ang mga nilalaman nitong reviewer ay batay sa Primer for the DOST-SEI Aptitude Test Battery for Science and Technology Courses. Ang mga tanong dito ay mula sa:
  1. Biological Science
  2. Physical Science
  3. Mathematics
  4. Linguistics
Nais ng exam na itong matukoy ang kakayanan ng mga aplikante sa mga sumusunod na kakayanan:

  • Intellective Speed
  • Intellective Power
  • Linguistic Ability
Subukan mo ito para malaman ang mga sample ng tanong sa DOST- SEI Undergraduate Scholarship Examination

Lunes, Abril 13, 2015

ALS sa Cavite - Balik Aral Program De La Salle University Dasmarinas

Taga-Cavite? Gustong mag-ALS? Makipag-ugnayan sa De La Salle University Dasmarinas para sa karagdagan pang kaalaman tungkol sa kanilang Balik Aral Program.

Website: http://www.dlsud.edu.ph/BAP.htm

Tungkol sa BAP-DLSU Dasmarinas
Ang Balik Aral Program ay isang espesyal na kurikulum na naghahanda sa mga out-of-school youth sa pamamagitan ng ALS ng DepEd. Ito ay sa ilalim ng Professional Education Department ng College of Education ng unibersidad. May mga boluntaryong guro mula sa DLSU-D na nagsisilbi pagkatapos ng kanilang regular na klase para magturo sa BAP.

Balik Aral Program


Professional Education Department
102 Felipe Calderon Hall
DLSU - DasmariƱas Cavite, Philippines 4115 

Email: PFD Secretariat sa mtbaja@dlsud.edu.ph
Telepono: Cavite +63 (46) 481.1900 local 3085 Manila +63 (2) 779.5180

Requirements

  • Edad: Para sa High School level, minimum age is 16 years old. Para sa Elementary, minimum age is 13 years old. 
  • Dapat ay dalawa o tatlong taong tumigil nag-aral
  • Drug Test 
  • Report of Grades o Form 137 
  • Barangay at Police clearance o NBI clearance 
  • NSO authenticated Birth Certificate 
  • 2X2 ID picture (2 piraso) 
  • 1X1 ID picture (2 piraso) 
  • Interbyu ng Balik Aral Program Coordinator
Paano Mag-enroll

  1. Sagutan ang application form mula sa Balik aral Program Coordinator (LDH103-C) o mula sa Professional Education Department Office (hanapin si Ms. Lhyn Baja)
  2. Ipasa ang application form kasama ang lahat ng mga requirements na nakalista sa taas
  3. Magpa-skedyul ng interbyu.
  4. Hintayin ang listahan ng lahat ng mga nakapasa. Tuwing unang linggo ng Hunyo ito inilalabas ng DLSU-D.
  5. Bayaran ang school ID (P100.00) at uniporme (P150+) sa Accounting Office.