Para Sa Iyo ba ang DepEd ALS?
Marahil ay naririnig mo ang ALS ng DepEd, pero hindi mo lubusang nauunawaan ito. Narito ang ilang kasagutan tungkol sa Alternative Learning System ng DepEd para sa karagdagang kaalaman para sa iyo:
1. Para kanino ba ang ALS A&E Test?
Ang nilalayong maabot ng ALS A&E Test ay mga Filipino out-of-school youth (OSY) o adult na may edad 11 pataas para sa elementarya, at 15 pataas para sa sekondarya. Mahigit na makatutulong kung sanay nang magsulat at magbasa.
Ang mga sumusunod ay karagdagang katangian:
- Walang trabaho o hindi sapat ang trabaho na OSY at adult na school dropout o leaver (halimbawa: trabahador, may bahay, kasambahay, factory worker, tsuper, kasapi ng cultural minority/indigenous people, mga may kapansanan, nakabilanggo, rebelde, atbp)
Ang mga maaaring kumuha ng test ay mga learner/attendee o nakatapos ng ALS A&E Learning Support Delivery System.
3. Ano ang pakinabang ko kung makakapasa ako sa ALS A&E Test?
Ang mga nakapasa ng elementarya o sekondarya antas ay makakakuha ng certificate na may lagda ng Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd). Ito ay may bisa para makapag-enroll sa anumang paaralan sa buong bansa. Sa pamamagitan ng certificate na ito:
- mag-enroll sa teknikal/vocational
- mag-enroll sa 2/4/5-year course ng CHED sa private o public college o university
- may access sa Meralco Foundation Inc at TESDA skills training programs
- makagpagtrabaho sa gobyerno sa mga posisyong qualified
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento