Positive discipline kindergarten: pagkuha ng gamit ng iba
Bilang isang guro o magulang, paano mo magagamit ang positive discipline sa pagkakataong may isang batang kumukuha ng gamit ng iba ng walang paalam?
Narito ang mga hakbang para magawa ang positive discipline tungkol dito:
Step 1: Alamin ang posibleng dahilan kung bakit ganito ang ginawa ng bata?
ctto |
Step 1: Alamin ang posibleng dahilan kung bakit ganito ang ginawa ng bata?
- Hindi naiintindihan ng bata ang tungkol sa personal property.
- Hindi alam ng bata ang epekto ng ginagawa sa iba.
- Hindi alam ng bata ang tamang paraan ng panghiram ng gamit.
- Maaring akala ng bata na ang ginawa niya ay paraan ng pakikipaglaro.
- Maaring nais makipaglaro ng bata sa kaklase pero hindi alam paano simulan ng tama.
Step 2: Tandaan ang long-term goals mo.
- Gusto mong igalang ng bata ang pagaari ng iba.
- Gusto mong matutunan ng bata na magbahagi at makipagtulungan sa iba.
Step 3: Sa pagkakataong ito, paano mo maipapakita ang malasakit bilang guro?
- Isiping ang mga bata sa ganitong edad ay hindi pa lubos na nakakaalam ng tungkol sa pagmamay-ari, paghingi ng paalam at paghihintay.
- Makipag-usap sa bata ng maayos.
Step 4: Sa pagkakataong ito, paano mo malalagyan ng kaayusan ang sitwasyon?
- Sa simula ng klase, sabihin ang tungkol sa mga rules ng klase. Isali ang mga bata sa pagbuo ng mga rules.
- Tulungang malaman ng mga bata na ang paghiram ng maayos ang tamang paraan.
- Ituro o i-role play ang maaring maramdaman ng isang bata kung hindi mag-share o bigla na lang kukunin ang bagay ng walang paalam.
Step 5: Pagtugon ng may positive discipline.
- Huwag magparusa. Sa halip na pagalitan o ipahiya ang bata sa harap ng klase, kausapin ng pribado. Sa mahinahong boses, ipaalam na naiintindihan mo at pinapahalagahan ang bata. Ipaliwanag kung bakit kailangang humingi ng pahintulot at maghintay ng pahintulot bago kunin ang gamit ng iba.
- Isama sa pagtuturo ng ibang subjects ang konsepto ng sharing at asking permission.
- Mag-role play tungkol sa sharing.
- Ipaalala ang rules tungkol sa sharing at taking turns.
ctto |
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento