Pagpapaliwanag sa klasrum o elaboration strategies

Ano ang elaboration strategies?
Ang elaboration strategies ay kung saan ang mga estudyante ay gumagamit ng mga elementong dapat malaman at pinapalawak ito. Inuugnay ng mga bata ang target na kaalaman sa iba pang detalye, gaya ng analogy.



Paano nakakatulong ang elaboration strategies sa mga estudyante?
Ginagamit ng elaboration strategies ang mga alam ng bagay ng estudyante sa mga kailangan pa niyang malaman. Pinapabisa nito ang working memory dahil nagkakaroon ng koneksyon na nagpapatibay sa kaalaman at memorya.

Paano ba epektibong magagamit ang elaboration strategies?
Narito ang ilang mga pamamaraan:

  • Gamitin ang ibang kataga o pangungusap sa bagong kaalaman. 
Halimbawa: Ang Bloom's Taxonomy ay isang bahagdan na nagtataguyod ng paglalim ng kaalaman at pag-aaral. Ang bloom sa Filipino ay nangangahulugan ng pamumulaklak. Ang Bloom's Taxonomy ay kalupunan ng mga salitang nagpapayabong ng antas ng kaalaman.
  • Gumamit ng analogy.
Halimbawa: Sa pag-aaral ng Civil War, gamiting analogy ang pag-aaway ng magkakapamilya.
  • Lumikha ng ugnayan.
Halimbawa: Ang photosynthesis ay ang paglikha ng mga halaman ng oxygen mula sa carbon dioxide sa paligid. Kabaligtaran nito ang sa tao, na kailangan ng oxygen at lumilikha ng carbon dioxide.

Marahil ay gumagamit ka na ng elaboration strategy sa klasrum. Ano ang paborito mo? At magbigay ka ng halimbawa kung paano mo ito ginamit.


Mga Komento

Kilalang Mga Post