Affective domain assessment

ctto

Sa pagtuturo, ang mga guro ay hinuhubog hindi lamang ang kaalaman (cognition) ng mga mag-aaral, kundi pati na rin ang kanilang katawan (psychomotor) at pag-uugali (affective).

Ang affective domain ay bahagi ng sistema na nailathala noong 1965 para matukoy, maunawaan at matugunan kung paano natututo ang mga tao. Ang tatlong ito - cognitive, affective at psychomotor ay batay sa Bloom's Taxonomy.

Ang affective domain ay tumutukoy sa bahagi ng learning objective tungkol sa tono, emosyon at antas ng pagtanggap o pagtanggi.

ctto

Ano ang mga antas ng affective domain?
May limang antas ang affective domain. Ang mnemonic o gabay sa pagmememorya ay regular rude vices offend Christ na kumakatawan sa limang antas:

  1. Receiving - pagiging maalam o sensitibo tungkol sa mga ideya, bagay, o pangyayari at pagkakaroon ng kakayanang makayanan ang mga ito. Halimbawa: pag-iiba, pagtanggap, pakikinig
  2. Responding - pagtugon sa pamamagitan ng maliliit na hakbang tungkol sa ideya, bagay, o pangyayari sa pamamagitan ng pagsagot dito. Halimbawa: pag-ayon, pagsunod, pagpuri, pag-boluntaryo, paggugol ng oras, pag hirang.
  3. Valuing - pagpayag na makilala ng iba bilang nagpapahalaga sa ilang ideya, bagay, o pangyayari. Halimbawa: pagtaas ng pagkakaintindi tungkol sa topic, pagiwan, pagsuporta, pakikipag-debate.
  4. Organization - pag-ugnay ng halaga sa mga pinaniniwalaan at pagsasama nito sa mga personal na pilosopiya. Halimbawa: pagtalakay, pagtanim, pagbalangkas, pagbalanse, pagsuri.
  5. Characterization - ang pagpapahalaga ay sakto sa mga sinasaloob. Halimbawa: pagbabago, pangangailangan, pagranggo ng mataas, pagpigil, pagtutol, pamamahala at paglutas.


Bakit kailangang saklawin ang affective domain sa pagtuturo?
Ang mga guro ay nais na matutunan, pahalagahan, ayusin, at isatao ng mga estudyante ang kanilang mga natutunan. Sa pagtuturo ng panitikan, ang mga saloobin, motibasyon, komunikasyon, classroom management, learning style, paggamit ng teknolohiya at nonverbal communication.

Para sa mga guro, ang maliit na kilos at pananalita na maaring makaapekto sa pakikisali ng estudyante sa klase.


CreditKrathwohl's Taxonomy of Affective Domain, http://serc.carleton.edu/NAGTWorkshops/affective/intro.html

Mga Komento

Kilalang Mga Post