Grade at grading systems: Gusto mo ba ng Mataas na Grade?


Ang isang antas o semester ay natatapos sa grade na nakuha ng estudyante. May mga mag-aaral na hindi binibigyang pansin ang nakukuhang grade. Mayroon namang mga pamilya at magulang na nagpupursige para makakuha ng matataas na marka ang mga anak sa eskwela.

Ang grades ang basehan kung ang isang mag-aaral ay makakakuha ng diploma. Ito rin ang basehan ng scholarship at kakayanang matanggap sa ibang mga paaralan.

Ano ba ang basehan ng mga guro sa pagbibigay ng grade?
Mahalaga sa mga guro na magkaroon ng pantay at matibay na batayan at polisiya sa pagbibigay ng grade. Malaking bahagi ito ng trabaho ng mga guro, ang magbigay ng marka sa mga mag-aaral. Ang mga magulang ay umaasang ang mga guro at mag-aaral ay magtutulungan upang makakuha ng mataas na marka.

ctto

Paano kung mababa ang nakukuha ng mga estudyante sa exam?
Kung marami ang bumabagsak sa mga exam na binibigay ng guro, mainam na suriin ang mga dahilan. Maaring may mga pagkakamali sa exam na nagsanhi sa pagbagsak ng mga mag-aaral. Sa ganitong pagkakataon, kinakailangang mag-exam ulit. Kung wala namang mali sa mga tanong at pagpipiliang sagot, maaring suriin kung may sapat bang panahon ang mga mag-aaral para paghandaan ang exam. Balikan ang mga lesson at suriin kung ang mga mahahalang aralin ay napagtuunan ng pansin.

Paano maging transparent sa pagbibigay ng grade?
Kinakailangang alam ng mga mag-aaral kung paano susukatin ang kanilang gawa bago nila ito ipasa. Kinakailangan ding nauunawaan ng mga mag-aaral at magulang ang nakuhang marka. Ang pagbibigay ng komento at karagdagang impormasyon sa mga gawain ng mag-aaral ay magbibigay ng tulong sa estudyante.

Credit: teacher.org

Ang pagtuturo ay pagtulong sa mga estudyante upang magtagumpay. Kung nauunawaan nila ang mga alituntunin kung paano makukuha ang mataas na marka, matutulungan silang magtagumpay. Malaking bahagi ng trabaho ng mga guro ang magbigay ng marka. Ito ay kinakailangang seryosohin at pagtuunan ng pansin. Ang tagumpay ng mga estudyante ang unang prayoridad ng mga guro.




   

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Kilalang Mga Post