Accreditation and Equivalency Test, sa March 4 at 11, 2018 na! Registration hanggang February 15, 2018
Ayon sa DepEd, ang 2017 A&E Test ay gaganapin sa Marso 4, 2018 para sa Luzon cluster at Marso 11, 2018 para sa Visayas at Mindanao cluster.
Maari ding magparehistro ang nais kumuha ng test hanggang February 15, 2018 sa mga Schools Division Offices at DepEd District Offices.
Sino ang maaring magpa-register sa A&E Test?
Ang mga sumusunod ang maaring magpatala para kumuha ng A&E Test:
- Learners ng ALS o non-formal education program ng DepEd
- Out-of-school Filipino na handa para sa pagsusulit
- Mga may edad na nais magkaroon ng Certification of Learning
Ilang taon ang mga maaring mag-A&E Test sa March 2018?
Para sa A&E Test sa elementary, kinakailangang 12 taon pataas para makapag-exam. Para naman sa A&E Test sa Junior High School, kinakailangang 16 taon pataas para makapag-exam.
Ano ang mga requirements para makapag-register para sa A&E ng March 2018?
Ang mga nais mag-exam ay kinakailangang magpasa ng mga sumusunod:
- Orihinal at photocopy ng Certification of ALS Program Completion mula sa Learning Facilitator para sa mga ALS learners
- Dalawang (2) pirasong 1x1 ID na puting background at may pangalan
- Original at photocopy ng Birth Certificate mula sa NSO o National Statistics Office. Sa mga hindi makakapagpasa ng NSO Birth Certificate, maari na lamang magpasa ng isa sa mga sumusunod:
- Baptismal certificate
- Voter's ID na may larawan at pirma
- Valid passport
- Valid driver's license
- Anumang legal document na may larawan, pangalan at pirma ng magpapatala halimbawa ay NBI Clearance, Baranggay Certificate, etc.
Ano ang mga kasali sa 2017 A&E Test sa March 2018?
Alinsunod sa DepEd Memo no. 121 s. 2017, hindi kasama ang portfolio assessment para sa exam sa March 2018. Ang A&E Test ay magiging multiple choice lamang. Ang passing rate ay 75% gaya ng nasasaad sa DepEd Memo no. 55, s. 2016.
Kailan malalaman ang resulta ng March 2018 A&E Test?
Lalabas ang listahan ng mga nakapasa pagkalipas ng tatlong buwan pagkatapos ng test.
Para sa kabuuan ng memorandum ng DepEd, narito ang link.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento