Alternative Learning System (ALS) Accreditation and Equivalency Test Part 3
ctto |
Paano magparehistro sa A&E Test?
Ang nais kumuha ng pagsusulit ay dapat punan ang rehistrasyon at dapat magbigay ng kahit alin sa mga sumusunod na dokumento bilang patunay ng pagkakakilanlan:
- Kopya ng sertipiko ng kapanganakan
- Kopya ng kontrata ng kasal
- Form 137
- Voter’s ID
- Postal ID
- TIN Card
- Driver’s License
- Pasaporte
Magbigay ng 2 kopya ng kanilang pinakabagong 1”x1” na larawan;
Isumite ang kumpletong rehistrasyon sa opisyal; at
Kuhanin ang ibabang bahagi ng rehistrasyon at ipakita sa tagasuri sa araw ng pagsusulit.
Saan gaganapin ang A&E Test? Kailan ang pagsusulit?
Ang nais kumuha ng pagsusulit ay dapat magparehistro sa itinalagang rehistrasyon sa buong bansa. Taon-taon, ang mga listahan ng mga lugar ay ipo-post ng DepEd. Ang kwalipikadong kukuha ng pagsusulit ay dapat bumalik sa parehong lugar para sa A&E Test.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring:
- Tumawag sa (02) 635-5188, 635-5193 at 632-1361 loc. 2083
- Mag-text sa aming DETxt Action Center sa 0919-4560027
- Mag-email sa depedbals@yahoo.com
- Sumulat sa Director IV - Bureau of ALternative Learning System (BALS), 3rd Floor Mabini Bldg., DepEd Complex, Meralco Avenue, Pasig City 1600
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento