Filipino: Pag-aralan natin ang tungkol sa Panghalip
Ang kami, tayo, sila at kayo ay mga salitang pamalit sa ngalan ng tao upang maging kanais-nais itong pakinggan o basahin. Tinatawag din ito na mga panghalip.
Kami - ginagamit bilang pamalit sa pangalan ng taong nagsasalita at ng kanyang mga kasama.
Halimbawa:
Kami ay magkakamag-anak.
Tayo - ginagamit bilang pamalit sa pangalan ng taong nagsasalita at ng kanyang mga kasama at kausap.
Halimbawa:
Tayo ay magbabasa ng isang kwento.
Kayo - ginagamit bilang pamalit sa pangalan ng dalawa o higit pang tao na kinakausap.
Halimbawa:
Kayo po ba ang mga bisita ng aking lola?
Sila - ginagamit bilang pamalit sa pangalan ng dalawa o higit pang mga tao na pinag-uusapan.
Halimbawa:
Sila ang aming lolo at lola.
Source: https://www.slideshare.net/mydearest/panghalip-kami-kayo
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento