Filipino: Pag-aralan natin ang Panghalip 2
Panghalip Panao
Panghalili sa ngalan ng tao.
Halimbawa:
Si Dr. Jose Rizal ay Manggagamot ng Baryo.
Siya ay manggagamot sa baryo.
Manggagamot siya ng baryo.
Tatlong Anyo ng Panghalip Panao
1. Anyong “Ang”.
Halimbawa:
Ang Unang Ginang ng bansa ay masigasig sa tagapagtaguyod ng pangkapakanang pangmadla.
Siya ay masigasig sa tagapagtaguyod ng pangkapakanang pangmadla.
2. Anyong “ng”.
Halimbawa:
Malaki at mataba ang mga baboy na alaga ni Mang Tasyo.
Malaki at mataba ang mga baboy na alaga niya.
3. Anyong “sa”.
Halimbawa:
Ang aklat para sa guro ay tungkol sa industriya.
Ang aklat para sa kanya ay tungkol sa industriya.
Mga Panghalip Panao
- Panauhan / Anyong “Ang” Anyong “ng” Anyong “sa”
- Kailanan (palagyo) (paukol) (paari)
- Isahan
- Una Ako Ko Akin
- Ikalawa Ikaw, ka Mo Iyo
- Ikatlo Siya Niya Kanya
- Dalawahan
- Una Kita, Tayo Natin Atin
- Ikalawa Kayo Ninyo Atin
- Ikatlo Sila Nila Kanila
- Maramihan
- Una Kami Namin Amin
- Ikalawa Kayo Ninyo Inyo
- Ikatlo Sila Nila Kanila
Tandaan!
Ang pag-iiba-iba ng anyong panghalip ay naaayon sa mga kaukulan ng pangalang hinahalipan.
Kata, nita, at kanita
Mga matandang salita na ginagamit para sa panghalip na dalawahan.
Tumutukoy sa taong kinakausap at kumakausap.
Kata - Nangangahulugan ng ikaw at ako.
Halimbawa:
Kata ay magpupundar ng maliit na negosyo.
Nita - Ito ay nangangahulugan ng pinagsamang ko at mo.
Halimbawa:
Tatagpasin ang mga damo sa bukid sa pamamagitan nita.
Kanita - Ito ay nangangahulugan ng akin at iyo.
Halimbawa:
Ang bahay na ito ay kanita.
Source: https://www.slideshare.net/Kingromar_24/panghalip-panao
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento