Filipino: Pag-aralan natin ang Pangngalan 3
Kaukulan at Gamit ng Pangngalan
Ang pangngalan ay nasa kaukulang palagyo kung ito ay ginagamit bilang:
- Simuno - Ang pamilya ay kayamanang walang kapalit.
- Pangngalang Pamuno - Ang pamilya ko, ang mahal ko ay ipinagmamalaki ko.
- Kaganapang Pansimuno - Ang pamilya ay kayamanang walang kapalit.
- Pantawag - Anak, sundin mo ang utos ng iyong mga magulang.
Paari ang pangngalan kung may dalawang magkasunod na pangngalan sa loob ng pangungusap at ng huli ay nagsasaad ng pagmamay-ari.
Ang bahay nina Inay at Itay ay konkreto.
Ang pangngalan ay nasa kaukulang palayon kung ito ay ginagamit bilang:
- Layon ng Pandiwa - Gumawa ng dampa si Tatay para sa amin.
- Layon ng Pang-ukol - Naghahanda para sa kamag-anak ang aming magulang.
Source: https://www.slideshare.net/rafaeladantes/pangngalan-16419071
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento