Idyoma


Ano ang tinatawag na IDYOMA?

IDYOMA - mga salita o pahayag na ginagamit sa araw-araw na nagbibigay ng hindi tiyakang kahulugan ng bawat salita o pahayag kundi ng ibang kahulugan.

Mga Halimbawa:

mahapdi ang bituka- nagugutom
tulak ng bibig – salita lamang
matalas ang dila – masakit mangusap
makitid ang katawan – mahinang umunawa
matigas ang katawan – tamad
mababaw ang luha – madaling umiyak



Paano ginagamit ang idyoma sa pagbuo ng sanaysay?

Halimbawa:

May kasabihan sa Ingles na “There is no royal road to education”. Wala raw natatanging daan tungo sa pagtuklas ng karunungan kundi sa pamamagitan ng pagsusunog ng kilay, paghahasa ng utak, pagbubungkal ng mga libro at ang iba pang ang ibig sabihin ay pagpapakasakit.
Walang gintong kutsara sa pagsusubuan ng karunungan.

Kaya halina , kabataang Pilipino. Gumising ka sa pagkakatulog, huwag kang magmukmok. Ikaw ay bayaning Pilipino, susi sa kaunlaran ng lipunan kahit taglay mo sa ngayo’y bubot na isipan.Tandaan mo ito, sabi sa Timoteo 4:12: “Huwag mong bigyang daan na hamakin ka ninuman dahil sa iyong kabataan, sa halip, pagsikapan mong maging huwaran ng mga sumasampalataya sa pananalita,ugali, pag-ibig , pananampalataya at kabanalan.

Credit: Amelia C. Julian, Ph.D.

Mga Komento

Kilalang Mga Post