Filipino: Ang tungkol sa Pangalan




Ano ba ang pangalan?
Ang isang pangalan ay nagbibigay turing sa isang pangngalan (tao o hayop, bagay, lugar, produkto [katulad ng pangalan ng marka] at kahit ang kaisipan o konsepto), na karaniwang ginagamit upang itangi ang isa mula sa iba. Sa tao, karaniwang ibinibigay ang pangalan sa sanggol at pinatutunayan sa isang Katibayan ng Kapanganakan (Birth Certificate) na nakalagay ang iba pang impormasyon tungkol sa sanggol katulad ng pangalan ng magulang, oras ng kapanganakan at iba pa.

Magsanay tayo!
Guhitan ang Pangalan o mga Pangalan sa pangungusap.
  1. Nakita ko si Rita kaninang umaga. 
  2. Naglalaro kami ng habulan ng aking alagang aso na si Blacky. 
  3. Mamamasyal kami ng aking pamilya sa Baguio City. 
  4. Si Maria ay bumili ng bagong bag. 
  5. Umiinom si Angel ng Milo tuwing umaga. 
  6. May bagong atraksyon sa Enchanted Kingdom. 
  7. Kausap ko sa telepono si Maria bago dumating si Lena. 
  8. Iniisip namin kung pupunta kami Mall of Asia pagkagaling sa Luneta. 
  9. May uwing pizza si Mike. 
  10. Alin ang mas masustansya sa Promil at Nido?
Sagot
  1. Rita 
  2. Blacky 
  3. Baguio City 
  4. Maria 
  5. Angel; Milo 
  6. Enchanted Kingdom 
  7. Maria; Lena 
  8. Mall of Asia; Luneta 
  9. Mike 
  10. Promil; Nido

Credit:
https://brainly.ph/





Mga Komento

Kilalang Mga Post