Aralin: Pagtatalata
Ang TALATA ay isang maikling katha na binubuo ng mga pangungusap na magkakaugnay, may balangkas, may layunin at pag-unlad ng kaisipang nakasaad sa pinapaksang pangungusap na maaaring lantad o di-lantad.
Kalinawan
Ito ang pangunahing katangian ng isang mabuting talata na nasasalig sa mga sumusunod:
- Kaganapan - Masasabing may kaganapan ang isang talata kung natupad o naipakita nito ang layunin ng pagsulat.
- Kaisahan - Ang talatang may kaisahan ay yaong may mga pangungusap na nakatutulong sa pagbuo ng kaisipang isinasaad ng pamaksang pangungusap.
- Kaayusan - Ito ay tumutukoy sa maayos at tamang pagkakasunud-sunod ng mga pangungusap na bumubuo nito.
- Pagkakaugnay-ugnay - Sa isang talata, ang pagkakaugnay-ugnay ay nangangahulugan ng mahigpit na pagtutulungan ng lahat ng mga pangungusap upang makabuo ng isang pangunahing diwa o kaisipan.
Credit: Amelia C. Julian, Ph.D.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento