Filipino: Pag-aralan natin ang tungkol sa Pandiwa 2
Aspekto ng Pandiwa
Katangian ng Pandiwa na nagsasaad kung naganap na o hindi pa nagaganap ang kilos, at kung nasimulan na at kung natapos nang ganapin o ipinagpapatuloy pa ang pagganap.
Tatlong Aspekto ng Pandiwa
- Aspektong Pangnakaraan / Perpektibo
Halimbawa:
Pawatas Perpektibo
Magsaliksik Nagsaliksik
Manghakot Nanghakot
Maunawaan Naunawaan
Kapag ang Pandiwa ay banghay sa - um/-um-, ang panlaping ito ay nananatili sa pangnakaraan. Samakatwid, ang anyong pawatas at ang anyong pangnakaraan ay walang pagkakaiba.
Halimbawa:
Pawatas Perpektibo
Umunlad Umunlad
Yumuko Yumuko
Kapag ang pandiwa ay banghay sa hulaping --an/-han, maging ito man ay nagiisa o may kasamang ibang panlapi. Ang -an/-han ay nananatili ngunit nadaragdagan ng unlaping -in kung ang pandiwa ay nagsisimula sa patinig at gitlaping -in- naman kung ang pandiwa ay nagsisimula sa katinig.
Halimbawa:
Pawatas Perpektibo
Matamaan Natamaan
Masabihan Nasabihan
Kapag ang pandiwa ay banghay sa hulaping -in/-hin, maging ito man ay nagiisa o may kasama pang ibang uri na panlapi, ang hulaping -in/-hin ay nagiging unlaping in-kung ang pandiwa ay nagsisimula sa patinig at nagiging gbitlaping -in- kung ang pandiwa ay nagsisimula sa katinig.
- Aspektong Perpektibong Katatapos
Nabubuo sa pamamagitan ng paggamit ng unlaping ka- at pag-uulit ng unang katinig-patinig o patinig ng salitang-ugat
Halimbawa:
Pawatas Katatapos
Tumula Katutula
Uminog Kaiinog
Masulat Kasusulat
Makalibot Kalilibot
Makaamin Kaamin
- Aspektong Pangkasalukuyan o Imperpektibo
Halimbawa:
Pawatas Perpektibo Imperpektibo
Ligawan Niligawan Nililigawan
Lagutan Nilagutan Nilalagutan
Umunlad Umunlad Umuunlad
Alatan Inalatan Inaalatan
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento