Tayutay o Figure of Speech
Ang tayutay ay isang masining na paraan na pagpapahayag o paglalarawan na sadyang layo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang lalong madaling maunawaan, maging mabisa at kaakit-akit ang pagpapahayag.
Ano ang mga uri ng tayutay?
1. Simili o Pagtutulad - ginagamit na pamamaraang pahambing. Gumagamit ng : para, tulad, gaya, kaparis, kawangis, animo, tila at iba pa sa pagkukumpara ng katangian o anyo ng tao, bagay, hayop at pangyayari.
Hal :
Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagniningning.
Ang paghahabi ng tela ay gaya ng paghihirap ng tao.
Para ng halamang lumaki sa tubig, dahon ay nalalanta di madilig.
2. Pagwawangis o Metapora - Ito ay tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.
Hal :
Siya’y langit na di kayang abutin kahit nino man.
Ang awa ng Panginoon ay aking kuta laban sa mga dalita ng buhay.
3. Personipikasyon o Pagsasatao - Ikinakapit ang mga katangiang pantao sa mga hayop, halaman, at walang buhay na mga bagay.
Hal:
Hayu’t nagagalit ang araw ng silangan.
Lumuha ang langit ng pumanaw ang dakilang bayani ng lahi.
4. Hiperbole o Pagmamalabis - Ginagamitan ng eksaherasyon.
Hal :
Pilit kong binuhat ang sandaigdigan upang ang tagumpay ay aking makamtam.
Yumuko sa akin ang sangkatauhan nang masaliksik ko ang katotohanan.
Abot langit ang pagmamahal nya sa aking kaibigan.
5. Apostrope o Pagtawag - Isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.
Hal :
O tukso, layuan mo ako!
Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian.
Liwanag, pakita ka sa akin at tanglawan mo ng liwanag ang silid ng nadirimlan kong isipan.
6. Panghihimig o Onomatopeya - Paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.
Hal :
Ang lagaslas nitong batis, langitngit ng kawayan, halumigmig nitong hangin ay bulong ng kalikasan.
Humalinghing sya sa sakit ng hagupit ng tadhana na kanyang naranasan.
7. Oksimoron o Pagtatambis - Nagtataglay ng mga salitang nagsasalungatan upang mas lalong mapatingkad ang bisa ng pagpapahayag.
Hal :
Aking tinutula ang nakalipas kong may ngiti’t himutok at aking nilalamay ang nakaraan kong may luha’t may lugod.
Nalulungkot ako sa pagkapanalo niya pagkat sa pagwawagi niya hustisya’y natalo.
8. Pagpapalit-tawag o Metonimya - Pinapalitan ang salita o mga salita ng isa pang salita o mga salita na may kaugnayan sa nais ipahayag.
Hal :
Kapag ginawan ka ng masama, gantihan mo ng tinapay.
Ang anghel sa kanilang tahanan ay isang bata sa katauhan ni Angel.
9. Eksklamasyon o Pagdaramdam - Nagpapahayag ng matinding damdamin.
Hal :
Aking nadarama ang kapighatian dahil sa pinapasan kong sobrang kalungkutan!
Kahabag-habag na nilalang! Matapos pag-aralin ang kasintahan ay bigla na lamang siyang iniwan at nagpakasal sa isang mayaman.
10. Tanong Retorikal - Isang masining na pagtatanong na hindi nangangailangan ng kasagutan.
Hal :
Kung hindi tayo kikilos ngayon, sino pa ang kikilos? Kung hindi ngayon, kailan pa?
11. Pagpapalit-saklaw - Pagbanggit ng bahagi bilang katapat ng kabuuan o ng kabuuan katapat ng bahagi.
Hal :
Sampung singkit na nanlilisik na mata ang naninisi sa kanyang ginawa.
Walong milyong katao ang nagpababa sa tronong kaniyang pinagsumikapang matamo.
12. Pagsalungat - Isang pagpapahayag na kabaliktaran sa ibig ipahiwatig.
Hal :
Ang bait niya sana ay kunin na siya ni Lord.
Ang haligi ng tahanan ang siyang nagsilbing ilaw na nagsabog ng liwanag sa gitna ng kadiliman.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento