|
DepEd |
Ang Alternative Learning System (ALS) ng Department of Education (DepEd) ay naaayon na sa
K-12 curriculum. Ang mga makakapasa sa Accreditation and Equivalency (A&E) Test ay magkakaroon na rin ng senior high school diploma na magagamit nila sa paghahanap ng trabaho, o pag-aaral sa kolehiyo simula 2018. Para sa mga ALS A&E Test passers na kinakailangan pang mag-senior high school, may dalawang options:
1. Mag-enroll sa mga kolehiyo at unibersidad na may bridging program para sa ALS gaya ng
Bulacan State University
2. Mag-enroll sa senior high school (SHS)
Sa mga pipiliing mag-enroll sa senior high school, narito ang ilang mga alituntunin tungkol sa SHS vouchers:
|
Halaga ng SHS voucher ayon sa DepEd |
- Sino ang maaring gumamit ng SHS vouchers? Ang mga ALS learners at Philippine Education Placement Test (PEPT) takers na mag-enroll sa private school para sa SHS SY 2018‐2019 ay maaring mag-apply at gumamit ng SHS voucher. Ang mga DepEd public school ay hindi gumagamit ng SHS vouchers. Ang mga ALS learners na makukuha ang kanilang certification for admission pagkatapos ng May 31, 2018 ay hindi magiging kuwalipikadong mag-apply sa SHS vouchers.
- May bayad ba sa pag-apply ng SHS voucher? Walang bayad dahil libre ang mag-apply para sa SHS voucher.
- Ano ang mga kuwalipikasyon para makatanggap ng SHS voucher? May batayan ang DepEd kung angkop sa kakayanan ng ALS learner na tumanggap ng voucher. Isa dito ay ang kita ng pamilya/guardian ng ALS learner.
- Magkano ang halaga ng SHS voucher? Iba-iba ang halaga ng voucher ayon sa lugar, uri, at fees ng private SHS school na papapasukan ng ALS learner. Ito ay ibinibigay minsan sa school year. Samakatuwid, ang ALS learner na mabibigyan ng SHS voucher ay makatatanggap ng dalawang vouchers para sa dalawang taon ng SHS.
- Kailan ang deadline ng pag-file ng SHS voucher application? June 15, 2018 ang deadline sa pagpasa ng manual applications para sa mga ALS and PEPT passers. June 29, 2018 naman ang release ng resulta ng mga voucher application para sa mga ALS at PEPT passers. August 31, 2018 ang deadline ng redemption ng vouchers.
- Paano makakakuha ng SHS voucher? Narito ang mga hakbang sa pag-manual apply para sa SHS vouchers:
- Sumadya sa DepEd Schools Division Offices, JHSs, o non‐DepEd SHS at mag-fill up ng Voucher Application Form (VAF‐1). Maari din itong ma download dito.
- Kumpletuhin ang mga dokumentong ipapasa: nasagutang VFA-1, bagong 2x2 ID colored photo, katibayan ng suweldo ng magulang, guardian, etc ng ALS/PEPT learner, certificate of financial assistance received para sa nabigyan nito mula sa pinanggalingang ALS center, at certificate of eligibility to enroll in Grade 11. Pagsama-samahin lahat ng ito sa long brown envelope; at
- Ipasa sa SHS Voucher Program Applications PEAC National Secretariat 5th Floor Salamin Building 197 Salcedo Street Makati City 1229.
|
page 1 |
|
page 2 |
|
page 3 |
|
page 5 |
|
page 4 |
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento